Watch the highlights of Ryza Cenon's contract signing with the Kapamilya Network

ABS-CBN.com April 14, 2018 02:05 PM



Mainit naman ang pagtanggap ng ABS-CBN sa aktres na si Ryza Cenon—na dating nagwagi sa isang reality talent competition—sa kanyang paglipat sa Kapamilya network. Lalabas si Ryza sa Dreamscape teleserye na “The General’s Daughter.”

 

“Sobrang excited na ako sa kung anong mga plano ng ABS-CBN para sa akin,” ani Ryza.

 

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng Broadcast Cory Vidanes, head ng Finance para sa Broadcast at News & Current Affairs Cat Lopez, at head ng TV Production Laurenti Dyogi.

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA