Umagang Kay Ganda

Jessy Mendiola, nagpapasalamat na nakaligtas sa road accident

ABS-CBN.com May 17, 2018 07:45 AM



Nagpasalamat si Jessy Mediola nang nakaligtas siya nang sumalpok ang sinasakyan niyang van sa isang barrier noong Miyerkules (May 16).  Sa kanyang post sa Instagram, inakala niyang mamatay na siya.


Nakaidlip umano ang kanyang driver kaya bumangga sa barrier ang van sa hindi pinangalanang lugar. Kinabahan din si Jessy dahil bumangga sa barrier ang bahagi ng van kung saan siya nakaupo.


Dahil sa nangyari, mas lumaki umano ang pagpapahalaga niya sa buhay. Inabisuhan din niya ang mga naglo-long drive na umidlip para makaiwas sa aksidente.


 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA