Umagang Kay Ganda

Anne Curtis, sinagot ang isang netizen na nagdududa sa kanyang charity work

ABS-CBN.com July 05, 2018 08:44 AM


Sa Instagram, ipinost ni Anne ang kanyang pagsali sa charity project ng UNICEF Philippines at isang local airline na “Change for Good”. 

Sa litrato, makikitang personal na nag-ikot si Anne para lumikom ng pondo pero isang netizen ang kumwestiyon sa ginawa nito at nag-comment kung bakit hindi na lang siya mag-donate ng sarili niyang pera imbes na humingi sa mga taong mas mababa ang kinikita kumpara sa kanya.

Sagot ni Anne, ilang beses na siyang nag-donate ng sarili niyang pera para sa UNICEF pati na rin sa iba niyang sinusuportahan na foundation.

Dagdag pa ni Anne, at least siya raw ay may ginagawa para tumulong at hindi lang puro reklamo sa social media.

Read on PUSHAnne Curtis reacts to netizen questioning her sincerity in helping others

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA