Umagang Kay Ganda

Kapamilya celebritites, nakiramay sa pagpanaw ni Anthony Bourdain

ABS-CBN.com June 11, 2018 08:58 AM


Kabilang ang mga Kapamilya celebrities sa milyon-milyong nakiramay sa pagpanaw ng celebrity chef na si Anthony Bourdain.

 

Ayon kay Bianca Gonzales, paalala ito sa atin na maging mabuti sa isa’t isa.

 

“Really, every single one of us have demons we are dealing with. These events are reminders to be kinder to each other. It isn’t that hard.” Ani Bianca.

 

Gayundin ang sinabi ni Bela Padilla na sana’y magsilbing ‘wake up call’ ang pagkamatay nina Kate Spade at Anthony Bourdain at pagdating sa pagtatrato natin sa isa’t-isa.

 

“I hope that recent passing of Kate Spade and Anthony Bourdain and many other people who are gone without us knowing what was wrong can serve as a wake up call to ALL of us. Your anonymity on social media doesn’t give you a free pass to potentially destroy someone’s life.BE KIND.” ayon naman ito sa tweet ni Bela.

 

Mensahe naman ni Anne Curtis, totoo ang sakit na depression. “Depression is real and we never know what people might be going through every day.”

 

Nagbahagi naman ng litrato ang Kapamilya journalist na si Ces Drilon kasama si Bourdain.

 

Ipinost din ni Judy Ann Santos ang litrato niya kasama ang celebrity chef. Ayon pa nga sa kanya, natatandaan niya pa nang bigla siyang napa-Ingles nang diretso nang makausap niya si Bourdain.


Read on PUSHAnthony Bourdain passes away at 61
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA