Umagang Kay Ganda

Cardo at Alyana ng Ang Probinsyano, nagkabalikan na

ABS-CBN.com July 12, 2018 08:35 AM


Nagkabalikan na sina Cardo at Alyana ng FPJ’s Ang Probinsyano matapos mapanaginipan ng huli na nabaril at namatay ang kanyang asawa. 

Napagtanto ni Alyana na mahal pa rin pala niya si Cardo sa kabila ng kanilang paghihiwalay. Napatakbo si Alyana sa kapilya para ipagdasal na huwag magkatotoo ang kaniyang panaginip. 

Inamin niya sa Diyos na mahal na mahal pa rin niya ang kanyang asawa at sana ay tanggapin pa rin siya nito kahit ilang beses pa niyang tinanggihan si Cardo.

Nasagot naman agad ang dasal ni Alyana dahil bago pa man siya makalabas ng simbahan ay naghihintay na pala sa labas si Cardo kaya hindi niya na napigilang sabihin ang kanyang damdamin. 

Umani ng mga papuri ang eksena mula sa mga netizens at tagasubaybay ng hit teleserye sa Primetime.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA