'Respeto', big winner sa 41st Gawad Urian

ABS-CBN.com June 15, 2018 12:55 AM

 

Muling nagbigay ng parangal ang Gawad Urian sa mga pinakamahuhusay at natatanging pelikula ng nakaraang taon.

 

Big winner ang pelikulang “Respeto” sa 41st Gawad Urian na nakakuha ng apat na parangal gaya ng Pinakamahusay na Tunog, Editing, Pangalawang Aktor para kay Dido De La Paz at Pinakamahusay na Pangunahing Aktor para sa rapper na si Abra. Hindi naman makapaniwala ang rapper sa kanyang natanggap na parangal.

 

Nag-uwi rin ng mga parangal ang “Balangiga: Howling Wilderness” para sa Best Musical Score, Best Production Design para sa “Ang Larawan”, Best Cinematography para sa “Neo Manila”, Best Screenplay para sa “Dapol Tan Payawar Na Tayug 1931” at mga short films at documentaries.

 

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres si Odette Khan para sa pagganap niya bilang the late Senator Miriam Defensor-Santiago sa “Barboys”.

 

Pinarangalan bilang Pinakamahusay na Pangunahing Aktres si Joanna Ampil sa “Ang Larawan”. Pinakamahusay na Direktor si Arnel Barbarona para sa “Tu Pug Imatuy” na inalay ang parangal para sa mga Lumad ng Mindanao.

 

Ginawasan ng pagkilala bilang Pinakamahusay na Pelikula ang “Balangiga: Howling Wilderness”.

 

Ang buong detalye sa mga nanalo sa Gawad Urian sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA