Bandila

Sharon Cuneta, Aga Muhlach at iba pa, nangako ng tulong sa bagong tourism drive ng D.O.T.

ABS-CBN.com June 15, 2018 12:57 AM

 

Mula sa kanyang hinagpis nang madiskubre ang multi-million budget project ng Department of Tourism tulad ng “Buhay Carenderia” Campaign ng dating pinuno ng Tourism Promotions Board na si Cesar Montano, ipinagmalaki ngayon ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na makikipagtulungan na sa DOT nang walang bayad ang mga bituin para sa kanyang tourism campaign.

 

Ibinagagi ni Secretary Puyat na ilan sa mga artista nangako nang tutulong sa kanya ay sina Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Armi Millare ng Up Dharma Down, Rico Blanco at apl.de.ap.

 

Ibinunyag din ni Puyat na on board pa rin ang food host na si Erwan Heussaff sa mga bagong kampanya ng DOT. Natuwa siya sa intension ni Heussaff na ibalik ang kanya umanong mahigit kumulang na 1 milyong pisong talent fee para sa kontrobersyal na “Buhay Carenderia” project.

 

Nasa Commission on Audit na ang imbestigasyon sa project na hindi umano dumaan sa bidding. Nagpapakita naman ito para kay Puyat na nais lamang tumulong ni Erwan at hindi ito mukhang pera.

 

Ayon kay Puyat, nasa pagpapasya na raw ng COA at Ombudsman ang mga kaso laban sa dating pamunuan ng DOT na si Secretary Wanda Teo at kay Montano gayun din sa negosyanteng si Linda Legaspi,.

 

Sa tulong ng showbiz, mas prayoridad ni Puyat na patingkarin lalo ang kanyang nationwide food tourism campaign na inumpisahan niya bilang undersecretary sa Department of Agriculture.

 

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA