Jodi, Richard at Robin on working with each other in Sana Dalawa Ang Puso

ABS-CBN.com January 12, 2018 09:32 AM

 

Inaabangan na ang teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso, kung saan makakasama nina Jodi Star Maria at Richard Yap si Robin Padilla.


Sa kanilang panayam sa TV Patrol, inamin ni Jodi na na-challenge siya sa pagganap ng dual role bilang Mona at Lisa, "Hindi naging madali. Isa ito sa mga challenging roles na ginawa ko."


Ito ang pangalawang pagkakataon na mapapanood ang JoChard tandem na nakilala bilang Maya at Sir Chief sa hit teleserye na Be Careful With My Heart. Excited si Richard na makasama muli si Jodi, "Gustong gusto kong makasama siya ulit. She's a great actress."


Nang kumustahin kay Robin si Jodi bilang ka-trabaho, ibinihagi ni Robin na "Masarap katrabaho si Jodi"

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA