Umagang Kay Ganda

Terrence Romeo, nasangkot umano sa gulo sa isang bar

ABS-CBN.com July 12, 2018 03:26 PM


Nasangkot sa gulo ang grupo ng miyembro ng Gilas Pilipinas na si Terrence Romeo sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City. 

Kwento ng asawa ng fan na nasapak umano ng Gilas Pilipinas member na si Clarissa Cabrera, gusto lamang umano magpa-picture ng biktima kay Terrence. Pagkatapos noon ay nagkaroon na ng sigawan at suntukan sa pagitan ng grupo ni Terrence at ng grupo nila.

Nangyari ang nasabing gulo ng mga alas 4 na ng umaga at pauwi na dapat sila. 

Nang tanungin naman si Terrence tungkol sa kanyang panig, ang sinabi lamang niya ay i-check ang CCTV ng bar at malalaman ang tunay na naganap at hindi siya ang nagsimula ng gulo. 

Ayon sa hepe ng Kamuning Police Station at Suprintendent Benjie Tremor ay nag-usap-usap na ang dalawang panig pero patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Panoorin ang report ni Jekki Pascual ukol sa isyu sa video na ito.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA