PHOTOS: The Unkabogable Vice Ganda renews his exclusive contract with ABS-CBN

ABS-CBN.com February 17, 2017 12:10 PM

Isa pa ring certified Kapamilya ang ‘unkabagoble’ box-office star na si Vice Ganda matapos nitong pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN noong Huwebes (Feb 16).“Marami dapat ipag-celebrate. May bagong kontrata. Katatapos lang ng concert na successful,” sabi niya, tungkol sa sold-out concert niyang “Pusuan Mo si Vice Ganda sa Araneta” last Valentine’s Day. Pabiro rin nitong sabi, “Puwedeng bang 50 years iyong pirmahan kong kontrata para isang pirmahan na lang?”

Ibinahagi rin ng “It’s Showtime” host na bukod sa mga proyekto sa telebisyon, magkakaroon ng US leg ang kanyang Valentine concert. Kasama rin sa contract signing ang ABS-CBN president and chief executive officer Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer for broadcast Cory Vidanes, head of Dreamscape Entertainment Television na si Deo Endrinal, at head of finance for broadcast and integrated news and current affairs na si Catherine Lopez.

Photos credit to ABS-CBN Corp Comm

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA