TVPatrol

Eugenio Lopez, Jr. Center for Media Arts Senior High School, pormal nang binuksan

ABS-CBN.com May 16, 2018 08:43 PM



Ilang linggo bago ang balik-eskwela, pormal nang binuksan kanina (May 17) ang isang pampublikong paaralan sa Scout Torillo sa Quezon City. Itinayo ito ng ABS-CBN para sa mga Grade 11 at 12 students na gustong pumasok sa mundo ng pamamahayag, broadcast production at film. 


Ito ang Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School, isang produkto ng kolaborasyon kasama ang Department of Education, lokal na pamahalaan ng Quezon City at Magna Anima Teachers College. 


Magtuturo ang paaralan ng mga subject sa Media Arts. Ayon kay Chief Content Officer Charo Santos, nagbibigay ito ng pagkakataon para madala sa mga estudyante ang kaalaman sa media arts. 


May higit dalawampung classrooms ang paaralan kabilang ang dalawang computer laboratories, speech laboratory, library at audiovisual room. Bukod sa mga guro sa DepEd, magtuturo rin sa mga estudyante ang media practitioners at professionals mula sa ABS-CBN. 


Dahil pampublikong paaralan, libre ang matrikula at ngayon ay nasa higit 400 na ang naka-enroll sa paaralan pero may bukas pa na 25 slots para sa mga nais humabol sa pasukan sa Hunyo. 


 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA