Karpintero at construction worker, nakapag-uwi ng bahay at lupa mula sa Lumina Homes

ABS-CBN.corp.comm July 09, 2018 03:49 PM

Maliwanang na ang buhay para sa karpinterong si Razel Marchan at construction worker na si Jose Santiago matapos manalo ng tig-isang bahay at lupa sa Lumina Homes mula sa “Masaganang Pa-Thank You” promo ng ABS-CBN TVplus.

Kinompleto na ni Marchan at Santiago ang listahan ng apat na nanalo ng bahay at lupa mula sa promo na ginawa ng ABS-CBN TVplus para pasalamatan ang 5 milyong Kapamilyang nilang users. Nauna namang nakapag-uwi sina Mario Miranda Jr., isang tsuper, at Bryan Duque, isang kusinero, ng nasabing premyo sa mga nakaraang draw.

Noong kami’y unang tawagan, hindi kami naniwala kasi baka scam lang. Hanggang sa nakita ko na lang sa commercial yung pangalan ko habang nanonood ng Cinemo at TV Patrol, doon pa lang nag-sink-in,” paglalahad ni Razel.

Ayon kay Marchan, ang inasahan lamang niyang mapanalunan ay cellphone o load kung kaya’t siya’y nagulat nang sabihang nanalo ng bahay at lupa. “Hindi ko na kailangang mangupahan pa, magiipon na lamang para sa kinabukasan ng aking dalawang anak,” sabi ni Marchan.

Malaki naman ang pasasalamat ni 52 anyos na construction worker na si Santiago sa ABS-CBN TVplus dahil matapos ang 22 na taong pagrerenta at limang beses na paglipat-bahay ay may matatawag na siyang sarili niyang tahanan.

Bukod sa apat na bahay at lupa, nagpamigay din ang “Masaganang Pa-Thank You” promo ng 120 negosyo packages mula sa Boardwalk, 50 gift certificates mula sa Octagon, at 1,200 na smartphones mula sa MyPhone.

Ang ABS-CBN TVplus o ‘mahiwagang black box,’ ay isang digital box na nakakasagap at ibinobrodkast ang lahat ng available na digital signals sa TV. Dahil dito, mas maraming pamilyang Pilipino ang nakakapanood ang kanilang paboritong TV shows ng mas malinaw at klaro.

Magpunta sa www.abs-cbntvplus.com o kaya sa official Facebook page ng TVplus para sa karagdagang impormasyon.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA