Pag-ibig itutuwid ang landas ng mga pusong ligaw sa huling linggo

ABS-CBN.Corp.Comm January 08, 2018 05:47 PM

 

Sapat na ba ang pag-ibig para muling mahanap ang tamang landas ng mga pusong ligaw?

 

Kumapit na sa pagtatapos na hindi mo dapat palampasin ngayong linggo sa hit afternoon serye na “Pusong Ligaw” at tunghayan kung ano ang kahihinatnan ng kwento nina Tessa (Beauty Gonzales), Marga (Bianca King), Caloy (Joem Bascon), Ira (Diego Loyzaga) at Vida (Sofia Andres), mga pusong minsang nalihis ang landas dala ng galit, inggit, at poot.

 

Tuloy parin ang paghahanap nina Tessa at Caloy ng sagot kung totoo bang sina Marga at Leon (Albie Casino) ang tunay na may sala sa pagkamatay ng ina ni Tessa at Rafa. Nadagdagan pa ang kanilang tanong nang pinili ni Marga na magtago kaysa harapin ang mga kasalanang binibintang sa kanya.

 

Hindi naman mapakali si Vida kung tatahimik lang siya o sasabihin ba niya kay Caloy at Tessa ang nalamang katotohanang si Jaime (Raymond Bagatsing) ang may tunay na mastermind at pinaikot lamang niya sina Marga at Leon.

 

Puno man ng galit ang puso, unti-unti nang gumagaan ang loob ni Ira para kay Tessa sa sunod-sunod na nakikita niyang pagpupursige ng ina.

 

Senyales na ba ito ng pagpapatawad niya sa ina? Ngayong linagay muli sa alinganin Marga ang buhay nina Tessa at Caloy, may puwang pa ba ang kapatawaran sa puso ni Tessa para sa dating kaibigan o tuluyan na niya itong ibaon sa limot?

 

Huwag palampasin ang huling limang araw ng “Pusong Ligaw” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA