Makisaya kasama ang “Boyfie Ng Bayan,” Marlo Mortel sa SKYdirect Jam sa SM City Cabanatuan

ABS-CBN.com July 10, 2018 07:00 PM


Tuloy ang pag-ikot ng “Boyfie ng Bayan” na si Marlo Mortel para magdala ng wow at saya sa mga Kapamilya kasama ang SKYdirect.  Gaganapin ang latest SKYdirect JAM sa SM City Cabanatuan sa July 14 to 15 (Sabado at Linggo).

Masayang makaka-jam ang buong pamilya sa videoke activities para makabirit at makakuha ng papremyo.
Maaaliw din ang mga Kapamilya sa Cabanatuan sa mga interactive trivia games para sa mga young at young-at-heart tampok ang hit TV shows at characters na mapapanood sa SKYdirect channels.

Ang SKYdirect ay ang direct-to-home service ng SKY na gumagamit ng satellite technology para mas maabot ang maraming pamilyang Pilipino saan mang sulok ng bansa.  Sa SKYdirect, tiyak mabubusog ang bawa’t miyembro ng pamilya sa saya dahil sa iba’t-ibang channels nito tulad ng ABS-CBN HD, sports channels na ABS-CBN S+A at Liga, ANC, Cinema One, MYX, Metro, Jeepney TV, DZMM TeleRadyo, Yey, at Cinemo.  Mapapanood rin dito ang top-rating cable channels na Cartoon Network HD, HBO HD, Disney, Nickelodeon, Warner TV HD, Blue Ant Entertainment, TLC, AXN HD, at History HD.

Available kahit saan sa Pilipinas, maaaring pumili sa Prepaid Plans 99, 150, 250 o 450.  Meron ding Postpaid Plans 250 at 450. Pwede ring mamili at magdagdag ang subscriber ng channels sa basic plan via SKYdirect Select for as low as P20/month.

Huwag nang magpahuli, Kapamilya!  Pumunta at makisaya with SKYdirect kasama ang pamilya at barkada sa SM City Cabanatuan sa July 14 to 15.

Ang SKY Cable Corporation ay ang nagpakilala ng cable television sa mga Pilipino noong 1990. Mula noon, nanguna na ito sa cable tv technology at sa pagbibigay ng customized content experience sa mga subscribers nito. Ito rin ang may pinakamaraming HD channels. Bukod sa SKYdirect, handog rin ng SKY ang SKYcable, One SKY Premium (unlimited internet all-in bundles), One SKY Lite (consumable internet all-in bundles), at SKY On Demand (video-on-demand).

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA