TV Patrol

Anne Curtis, feeling blessed sa tatlong magkakasunod na pelikula

ABS-CBN.com June 13, 2018 07:41 PM

 

Game na game na naki-selfie at naki-join ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa Meet and Greet niya para sa kanyang mouthwash endorsement.

 

Lagare sa trabaho pero feeling blessed si Anne Curtis sa tatlo niyang magkakasunod na pelikula.

 

Kwento ni Anne, happiness overload siya ngayon dahil sa dami ng blessings tulad ng box office success ng “Sid and Aya: Not A Love Story” na umabot na sa 140 million pesos ang kita sa third blockbuster week. Hindi niya naman inaasahan ang naging reaksyon at suporta ng mga manonood sa kanyang pelikula.

 

Bibiyahe papuntang Japan si Anne para sa international screening ng “Sid and Aya: Not A Love Story”. Dadalo rin siya sa North America premiere ng kanyang Erik Matti film na “BuyBust”, at sinisimulan na rin niya ang kanyang horror film na “Aurora”.

 

Excited na rin si Anne sa nalalapit na finale ng Miss Q&A, mula sa kung ano ang magiging outfit nila ni Vice pati sa mga sagutan ng contestants. Payo naman ni Anne sa mga Q&A contestants na maging totoo at makinig sa mga naging payo ng mga hurado.

 

Pero say naman ni Anne sa mga tumutukso sa kanyang magsimula na ng kanyang sarilling pamilya na darating na lamang ang tamang panahon kung handa na silang dalawa ng kanyang asawang si Erwan.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA