TV Patrol

Pamilya na nakasalamuha ni Bourdain sa Pilipinas, ikinalungkot ang kanyang pagpanaw

ABS-CBN.com June 13, 2018 08:19 PM

 

Binalikan ng isang pamilya sa Pasay City ang kanilang karanasan nang makasalo nila sa pananghalian ang namayapang celebrity chef na si Anthony Bourdain.

 

Taong 2016, magpa-Pasko nang bumisita si Bourdain sa pamilya Dela Cruz sa Maricaban, Pasay. Dito nakatira si Aurora Medina na nagsilbing yaya sa isa sa mga staff ni Bourdain. Nakasama rin niya sa pananghalian ang mag-inang Jhoy at Lashley. Ikinwento ni Jhoy na ipinagluto si Bourdain ng kanyang lola ng kare-kare at hipon na bagoong.

 

Seryoso raw kausap si Bourdain sa likod ng kamera pero hindi madamot sa ngiti at pakikisalamuha. Matanong din daw ito ayon kay Jhoy.

 

Pinakatumatak sa kanila, bukambibig daw ni Bourdain ang katangian ng mga Pilipino. Ayon kay Bourdain, sobrang masipag daw ang mga Pinoy.

 

Para sa kanilang pamilya, ang rooftop ng kanilang bahay ang magsisilbing alaala na minsan ay nakasama nila ang nag-iisang Anthony Bourdain.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA