How Erich prepared for her role in Ipaglaban Mo "Espiya"

ABS-CBN.com March 31, 2017 06:22 PM

Samahan si Erich Gonzales sa matapang niyang pagganap bilang isang pulis na handang isugal ang buhay para sa tungkulin ngayong Sabado (April 1) sa hit-legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo.”

Kalaban ng katiwaliaan at isang magiting na pulis na maituturing si Pia sa harap ng kanyang kaibigan at pamilya. Galit siya sa mga salot sa lipunan lalo na sa mga drug pusher. Kaya naman nang mabigyan siya ng pagkakataong masugpo ang isang drug syndicate ay agad niya itong tinanggap.

Bagama’t masasaalang-alang ang kanyang pausbong na pag-ibig sa kaibigang si Ricky (Arjo Atayde) ay tutulak pa rin siya pa-Hong Kong para sa tawag ng tungkulin. Mapagtagumpayan kaya niya ang delikadong misyon? Masugpo niya kaya ang pagpasok ng ilegal na droga sa bansa?

Makakasama rin sa episode sina Dawn Chang, DJ Durano, at Tony Manalo.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA