TV Patrol

Mga pelikula nina Anne at Erich, kabilang sa Pinoy films na tampok sa NY Asian Film Fest

ABS-CBN.com July 11, 2018 08:17 PM


Astig ang dating ng bagong action queens sa CineFilipino na sina Anne Curtis at Erich Gonzales sa victory reception ng Film Development Council of The Philippines sa partisipasyon nila sa ongoing 17th New York Asian Film Festival.

Buwis-buhay ang pambatong pelikulang “Buy Bust” nina Anne at Direk Erik Matti at “We Will Not Die Tonight” nina Erich at Richard Somes.

Tampok din sa film fest ang “Neo Manila” ni Mikhail Red, “On The Job” ni Matti at “Sid & Aya: Not A Love Story” ni Irene Villamor.

Tanging ang pelikulang “Respeto” nina Abra at Direk Treb Monteras ang nasa main competition. 

Binansagan namang brutal ng NYAFF ang “We Will Not Die Tonight” kung saan sagad sa aksyon si Erich sa role niya bilang stuntwoman. Nalungkot lang siya dahil hindi siya nakadalo sa June 29 world premiere ng pelikula.

Personal na dadalo sina Anne at Erik Matti sa New York Film Fest kung saan closing film ang “Buy Bust” sa July 15. Kasama rin ito sa dalawa pang film fest sa Canada at South Korea. 

Good news pa ni FDCP chairman Liza Diño, action at horror na ang demand ng mga international film fest sa mga Pinoy filmmakers.

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA