TV Patrol

Komedyanteng si Whitney Tyson, balik-showbiz sa "FPJ'S ang Probinsyano"

ABS-CBN.com June 14, 2018 08:41 PM

 

Nakakuha ng 44% ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano nitong Miyerkoles (June 13) na siyang pinakamataas nilang rating ngayong taon.

 

Blessing ito sa hit teleserye at isa sa mga naambunan ng biyaya ay ang nagbabalik na komedyante na si Whitney Tyson.

 

Sa kanyang guesting sa Rated K noong nakaraang Linggo, ibinahagi ni Whitney ang buhay niya na wala sa showbiz at ang wish niyang makabalik sa pag-aartista.

 

Sa pagbisita kay Whitney sa set ng FPJ’s Ang Probinsyano ay kapansin-pansing masaya siya, reenergized at excited umarte ulit. Katunayan, nakaka-limang taping days na siya sa serye.

 

Ibinahagi rin ni Whitney na kahit hindi pa umeere ang kanyang episode sa Rated K ay may tumatawag na sa kanya mula sa nasabing teleserye.

 

Nagpapasalamat siya sa host na si Korina Sanchez na naging daan sa kanyang pagbabalik at katrabaho pa niya ngayon si Coco Martin.

 

Ikinwento pa ni Whitney ang una nilang pagkikita ni Coco. Hindi niya pinalagpas na humingi ng halik mula sa aktor. Aminado rin siyang ninerbyos siya sa unang pagsalang niyang muli sa kamera.

 

Huling napanood si Whitney sa sitcom na “Richard Loves Lucy” kaya ang isa pa niyang wish ay makasama sa iba pang sitcom.

 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA