TV Patrol

Anne Curtis, mistulang duguan at sugatan sa movie pictorial ng 'Buy Bust'

ABS-CBN.com June 26, 2018 08:17 PM

 

 

Halos hindi na makilala si Anne Curtis sa latest niyang movie pictorial kung saan siya ay mistulang sugatan. Ipinagmamalaki naman ni Anne na for the first time, hindi siya glamorosa. 

 

Literal na gulpe de gulat ang latest pictorial ni Anne  para sa international movie niyang “Buy Bust.” Mistulang bugbog sarado ang kanyang mukha, duguan, at may hiwa ang kanyang braso. 

 

Ilang oras ding binuno ang prosthetics ni Anne sa close-door pictorial ng photographer na si Mark Nicdao.

 

“This is the first time obviously that you’ll be seeing me in this light or in blood… body and soul na pinaghirapan ko talaga itong ‘Buy Bust,’” ani Anne.

 

Malayo ito sa imahe ng past movies ni Anne kung saan kadalasan bida siya ng mga romantic drama pero bahagi raw ito ng kanyang pagpapatotoo sa kanyang papel bilang astig na Narcotics Enforcement Agent, kapartner ang Mixed Martial Artist na si Brandon Vera.

 

Natawa pa si Anne nang pahigain siya na may baril kasama ang mga napatay na suspect. Sinigurado naman ni Anne na mapapaupo ka sa dulo ng upuan kapag napanood ang kanyang pelikula. 

 

Ang pictorial ang kulminasyon ng dalawang taon na pag-shoot ng pelikula kung saan nag-training si Anne ng martial arts at pagbaril.

 

Umaasa lang si Anne na makakapasa sa MTRCB ang kanilang action film.

 

Ikinararangal din ni Anne na tampok ang “Buy Bust” bilang closing film sa New York Asian Film Festival sa Hulyo.

 

Ang mga eksena sa pictorial sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.
 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA