Fil-am MMA athlete na si Brandon Vera, bibida sa dalawang pelikula

ABS-CBN.com May 17, 2018 12:48 AM



Mula sa pagiging wrestler, ngayon ay isa na sa highest paid Hollywood actor si Dwayne Johnson. Siya ang idolo ng Fil-Am mixed martial arts athlete na si Brandon “The Truth” Vera. 


Habang naghihintay ng kanyang susunod na laban sa loob ng MMA ring, laban muna sa box office ang inaasikaso niya. Isang action-packed Asian film ang gagawin ni Brandon ka-tandem ang isa pang Chinese MMA athlete at actor na si Dennis To. Dream come true ito kay Vera na big fan ng classic Kung Fu films. 


70% ng pelikula ay kukunan sa Pilipinas at magsisimula ang shooting pagkatapos ng laban ni Brandon bago matapos ang taon. Pero bago yan, unang mapapanood ang pelikula niya kasama si Anne Curtis, ang “Buybust” na una nang inanusyo na magkakaroon ng premiere screening sa North American territories. 


Extra inspired ngayon ang Fil-Am athlete lalo na’t katatapos lang niyang ikasal noong isang buwan. Panoorin ang report na ibinandila ni MJ Felipe.
 


 

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA