TV Patrol

Ano nga ba ang gustong ipakita ni Kathryn kay DJ sa Europa?

ABS-CBN.com July 12, 2018 10:54 PM


Sa pictorial pa lang, ramdam na ang energy at excitement nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla para sa kanilang upcoming movie na “The Hows of Us”.

Sa pelikulang ito, balik sa dating hairstyle si DJ na mahaba at medyo may bangs. 

Reunited sila kay Direk Cathy Garcia-Molina sa pelikulang tungkol sa kung paano mapapanatiling in love habang in a relationship. 

Kagabi (July 11), ready to fly na to The Netherlands ang dalawa na sinalubong ng fans na sabik na rin sa kanilang big screen return. Walong araw silang magshu-shoot ng mga eksena sa Amsterdam.

Natutuwa si Kathryn dahil ang mga taong katuwang nila sa pelikula ay nakasama na nila sa pagbuo ng movie niya dati na “Barcelona: A Love Untold”. Mas mabilis naman daw ayon kay Daniel ang kanilang pag-shoot sa Netherlands na walong araw lamang, hindi katulad ng isan buwan nilang pagkuha ng mga eksena sa “Barcelona”.

At dahil ‘short but sweet’ ang kanilang Europe trip, best effort sila kung makakapag-side trip sa mga tourist spots.

Halos nangangalahati na sila ng pelikula at ilan sa mahahalagang eksena ang kukunan sa Amsterdam.

Ang buong detalye sa KathNiel sa pagpa-Patrol ni MJ Felipe.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA