PHOTOS: Ang kwento ng buhay at tagumpay ni Miho Nishida sa MMK

ABS-CBN.com January 06, 2016 05:00 PM
Muling babalikan ni Miho Nishida ang kanyang pinagdaanan bago hiranging “Pinoy Big Brother 737” Big Winner sa kanyang mismong pagganap ngayong Sabado (Jan 9) sa “MMK.”

Dahil sa hirap ng buhay, nagtrabaho ang ina ni Miho na si Mercedes sa Japan bilang isang entertainer. Doon ay dalawang beses nagkamali sa pag-ibig si Mercedes kung saan naging bunga sa ikalawa niyang kasintahan si Miho.

Sa kagustuhang hindi maulit sa anak ang sinapit niya, naging striktong ina si Mercedes. Panay ang kayod nito at nawalan ng oras kay Miho. Dito na nagrebelde ang dalaga hanggang mangyari na ang kinakatakot ni Mercedes— ang maging dalagang ina rin ang anak niya.

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Andrea Del Rosario, Brenna Garcia, Alex Diaz, Nina Jose, Marina Benipayo, Giselle Sanchez, at Tess Antonio. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon Elfren Vibar, at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. . I-tweet o ipost ang inyong opinsyon sa episode ngayong lingo gamit ang hashtag na #MMKBigWinner.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA