PHOTOS: Ejay at Vina, patutunayan na walang pinipiling edad sa pag-ibig sa MMK

ABS-CBN.com December 23, 2015 09:19 AM

Tunghayan ang kwento ng mag-asawang pinatunayan na walang pinipiling edad ang wagas na pagmamahalan ngayong Sabado (Dec 26) sa “MMK.”

Gagampanan nina Ejay Falcon at Vina Morales ang papel nina Resty at Charito, mag-asawang limang taon ang agwat sa isa’t isa. High school pa lang noon si Resty (John Manalo) habang kakatapos lang ng college ni Charito (Meg Imperial) nang sila ay naging magkasintahan kaya naman ganoon na lang ang pagtutol ng pamilya ni Charito sa binata.

Magtatanan ang dalawa at patutunayan ni Resty na kaya niyang buhayin si Charito at magiging mga anak nila.

Kalaunan ay matatanggap din ng pamilya ni Charito si Resty ngunit lingid sa kanilang kaalaman na may mas malaki pa palang hamon na paparating na susubok sa tibay ng kanilang pagmamahalan.

Kasama rin sa upcoming episode ng “MMK” sina Encar Benedicto, Bing Davao, Neil Coleta, Rochelle Barrameda, Marlann Flores, Jeff Gaitan, Claire Ruiz, Noel Colet, Joaquin Reyes, Jacob Dionisio, Raine Salamante, Sonia Mejia, at Carla Martinez. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, at panulat ni Joan Habana. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile.

Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA