PHOTOS: Joshua Garcia, tampok sa MMK ngayong Sabado

ABS-CBN.com December 29, 2015 10:33 AM
Bibigyang buhay ni Joshua Garcia ang kwento ng isang anak at kapatid na handang gawin ang lahat para sa pamilya sa kanyang unang “Maalaala Mo Kaya” episode ngayong Sabado (Jan 2).

Parehong pastor ang ama’t ina ni Pablo (Joshua Garcia) na sina Benjamin (Dominic Ochoa) at Rita (Assunta de Rossi), kung kaya’t masaya at kuntento siya sa kanilang buhay kasama ang kanyang mga kapatid. Ngunit nagbago ang lahat nang kupkupin nila si Simon (Arjo Atayde).

Sa pagdating ni Simon, napansin ni Pablo ang mga kakaibang pangyayari sa kanilang tahanan, kabilang na ang pagbabago ng pakikitungo ni Rita kay Benjamin. Isang gabi, nagulat na lamang sila nang matagpuang patay na si Benjamin, at si Simon ang itinuturong suspek. Nakakita din sila ng mga kagamitang pang-ritwal mula kay Simon at ayon sa mga nakatatanda, ginamit niya ito upang mapaibig si Rita.

Mailigtas pa kaya ni Pablo ang kanyang pamilya mula sa kapahamakan? Matulungan pa kaya ni Pablo ang kanyang ina na kalimutan si Simon?

Tampok din sa episode sina Izzy Canillo, Devon Seron, Celine Lim, Kyline Alcantara, Rhed Bustamante, Gerald Pesigan Gerard Pizzaras, at Dianne Medina. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou N. Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKTheGuest.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA