TV Patrol

Candidates ng Mutya ng Pilipinas 2018, mahigpit ang showdown para sa korona

ABS-CBN.com September 14, 2018 08:26 PM


Naniniwala ang lahat ng 50 candidates sa Mutya ng Pilipinas na deserving silang manalo. Pero sa dami ng nakuhang special awards, naging matunog ang Boholanang si Pauline Amelinckx na kahawig ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo.

Best In Terno at Photographer’s Choice ang Tourism employee ng Bohol. 

“I get that a lot though. People have told me that before. Only side view,” reaksiyon ni Pauline sa mga nagsasabing kamukha niya si Bea.

Head turners din ang iba pang favorites tulad ng Maxene Medina look alike na si Nina Ancheta ng Los Angeles, Sharifa Akeel ng Sultan Kudarat.

May iba pang aangat na candidates base sa pagkilalatis sa kanila sa question and answer habang walang make up.

Tampok sa ABS-CBN ang Mutya ng Pilipinas coronation sa makalawa sa Sunday’s Best na iho-host ni Iza Calzado.

Ang buong detalye sa pagpa-Patrol ni Mario Dumaual.

If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwantv.com.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv

 

Related

WHAT TO CHECK OUT ON SOCIAL MEDIA