Weekdays at 11:30 AM

VIDEOS

Show Logo

WATCH: Isang taus-pusong pasasalamat mula sa Be My Lady stars

ABS-CBN.com November 21, 2016 09:32 PM

Matuturing na isa sa pinakamatatagumpay na serye ngayong 2016 ang “Be My Lady” na pinagbibidahan nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales.

Halos mag-iisang taon na nga ito sa telebisyon at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa timeslot nito sa umaga. Sa kabila ng iba’t ibang programa na tumapat dito, nananatiling mas tinatangkilik ng mga manonood ang kwento ng pag-ibig nina Phil (Daniel) at Pinang (Erich) na kamakailan nga ay nauwi na sa kasalan.

Trending din ito sa social media araw-araw at nagpauso pa ng viral song craze na “Tatlong Bibe.”

Ngunit higit sa lahat, nakapagbahagi ang “Be My Lady” ng mahahalagang aral sa viewers. Nagsilbing inspirasyon sina Phil at Pinang at ipinakitang hindi hadlang ang pagkakaiba ng kultura pagdating sa pag-ibig. #FamilyGoals din na matatawag ang pamilya Crisostomo na nanatiling masaya at nagkakaisa sa hirap man o ginhawa.

Kahanga-hanga naman si Phil sa pinakita niyang determinasyon para makuha ang puso ni Pinang sa pamamagitan ng pagdaan nito sa maka-Pilipinong paraan ng panliligaw habang si Pinang naman ay ipinaalala sa kababaihan ang tunay na diwa ng pagiging isang dalagang Pilipina.

“Nagpapasalamat po talaga ako na bahagi ako ng napakagandang programang ito. Marami po kaming feedback na nakukuha na nagagawa ng show na pagsama-samahin ang buong pamilya kaya naman po mas inspired kami na galingan pa. Para sa amin ang pagtagal namin ng ganito katagal sa ere ay hindi lang patunay sa tagumpay ng show kung hindi isang malaking karangalan at blessing po talaga,” sabi in Erich.

“Gusto talaga naming na bigyan kayo ng show na positibo, puno ng good valies, nakasentro sa Diyos, at makapamilya. Masaya kami na na-inspire namin kayo,” dagdag ni Daniel.

Dahil sa impluwensya nito sa manonood, kinilala kamakailan ang “Be My Lady” bilang Best Drama Series ng Catholic Mass Media Awards para sa mahusay na pagpapalaganap nito ng aral sa mga manonood.

Hindi lang mga Pilipino kung hindi pati ibang lahi ay mapapanood na rin ang feel-good na kwento ng “Be My Lady” dahil nakatakda nang ipalabas ang serye sa Kazakhstan, Myanmar, at Africa sa susunod na taon.

Sa pagtatapos ng kanilang kwento ngayong darating na linggo, tunghayan ang pag-uumpisa ng kanilang journey to forever sa kanilang bagong buhay mag-asawa. Uumpisahan na rin nilang bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Ano pa nga ba ang mga pagsubok na haharapin nila ngayong sila ay ganap nang mag-asawa? Mapanindigan kaya nila ang kanilang mga sinumpuaang pangako sa isa’t-isa?

Huwag palalampasin ang “Be My Lady,” 11:30 AM bago mag-“It’s Showtime” sa PrimeTanghali ng ABS-CBN.

 

Related