Monday to Friday after It's Showtime

VIDEOS

Show Logo

WATCH: Doble Kara Finale Presscon Highlights

ABS-CBN.com January 31, 2017 09:55 PM

Matapos ang higit sa isang taong pag-ere ng “Doble Kara,” nananatili pa ring nag-iisang Daytime Drama Queen sa telebisyon si Julia Montes kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa mga taong tumutok at hindi bumitaw sa kuwento ng serye.

“Araw-araw ninyo akong pinatuloy sa inyong mga tahanan. Umaapaw ang aking pasasalamat sa mga alaala at mga taong nakilala ko,” sabi ni Julia. “Maraming salamat po sa inyo dahil ipinadama ninyong hindi ako nag-iisa at isang pamilya tayo.”

Mula pa noong Agosto 2015, ang “Doble Kara” na ang siyang kumukumpleto sa hapon ng mga manonood. Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa serye, kaya naman naging consistent top rater ito at hindi natinag sa pamamayagpag sa ratings sa buong bansa. Sa katunayan, nagtala ang serye noong nakaraang taon ng all-time high national TV rating na 21.7%, ayon sa datos ng Kantar Media. Ilang serye na rin ang sumubok tumapat dito pero nanaig pa rin ang suporta ng Kapamilya viewers para sa palabas.

Patuloy din ang araw-araw na pag-ani ng papuri ng serye mula sa netizens sa pagiging consistent trending topic nito sa Twitter at pagiging patok na usapin online.

Tinututukan din ang “Doble Kara” hindi lang dahil sa mga makapigil-hiningang mga eksena nito, kung hindi dahil na rin sa mga aral na ipinapakita nito na sumasalamin sa pamilya Pilipino. Natunghayan sa serye ang hindi matatawarang pagmamahal ng mga ina kina Laura (Mylene Dizon) at Lucille (Carmina Villarroel). Napanood din ang tatag at kakaibang katapangan ng mga ama para sa pamilya kina Ishmael (Ariel Rivera) at Antonio (Allen Dizon). Naipadama naman nina Sebastian (Sam Milby) at Edward (Edward Allan Guzman) ang saya ng tunay at wagas na pag-ibig.

Dahil nga sa kalidad at mga aral nito, ilang award-giving bodies na ang kumilala sa serye tulad ng ALTA Media Icon Awards at PMPC Star Awards. Nakatanggap din ng sari-saring awards ang bidang si Julia sa pagganap niya bilang ang kambal na sina Kara at Sara mula sa 14th Gawad Tanglaw at Anak TV Awards, patunay sa kanyang dedikasyon at impluwensya sa mga tagasubaybay.

Sa nalalapit nitong pagtatapos, mas marami pa ngang dapat abangan dahil mas marami pang plano si Alex na isasakatuparan upang maghiganti kina Kara at Sara. Mas gugulo rin ang kanilang pamilya sa pagbabalik ni Lucille sa kanilang mga buhay.

Magiging magkakampi nga kaya sina Alex at Lucille? Sino pa nga kaya ang magbubuwis ng buhay para sa kaligtasan ng lahat? Maprotektahan kaya nina Kara at Sara ang kanilang mga pamilya sa mga nagbabadyang panganib?

Kasama rin sa cast ng “Doble Kara” sina Rayver Cruz, Mickey Ferriols, Alicia Alonzo, Anjo Damiles, John Lapuz, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Polo Ravales, at Patricia Javier.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng nangungunang Kapamilya afternoon series na “Doble Kara,” tuwing hapon pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaaring mapanood ang past episodes ng programa sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related