Monday-Friday After Ngayon at Kailanman!

ABOUT


Sentro sa kuwento ang naudlot na pagmahahalan nina Lino at Jacky na mula pagkabata ay may pagtingin na para sa isa’t-isa. Tututulan ng mga magulang ni Jacky ang kanilang relasyon dahil hindi nila ka-estado ang pamilya ng binata, at si Lino na mismo ang lalayo para hindi na lalong masaktan si Jacky.

Makalipas ang ilang taon ay pagtatagpuin silang muli ng tadhana ngunit parehas na silang kasal sa iba, si Lino kay Jade, isang babaeng mataas ang ambisyon at hindi basta-basta sumusuko sa kaniyang mga gusto. Si Jacky naman ay kasal kay Ace, isang mayamang lalaki na bagamat malambing ay may sikretong nililihim.

Sa kanilang muling pagkikita ay susubukan nilang tuparin ang mga pangakong binitawan sa kanilang mga asawa at lalabanan ang mga emosyong hindi nawala sa kanilang mga puso. Ngunit ano nga ba ang magiging mas matimbang ang wagas na unang pag-ibig o ang sinumpaang hindi magpadala sa tukso?