Monday-Friday After Ngayon at Kailanman!

CAST

JERICHO ROSALES

JERICHO ROSALES

LINO BARTOLOME

Panganay na anak ng mag-asawang Gustin at Dolor; isa siyang responsable at maaasahang anak; tumayong katuwang sa buhay ng ina nang mamatay ang kaniyang ama. Istrikto pero mapagmahal na kuya sa nag-iisang kapatid na si Maggie. He is a designer and co owner of a furniture  making company, Dos Disenyos. Tumayong bread winner mula ng mamatay ang  ama, pamilya ang pinaka mahalaga para sa kanya. Married to Jade, pero kung kailan nagkalamat ang pinaka iingatang pagsasama, muling nagkrus ang landas nil ng unang pag-ibig na si Jacky Montefalco. Magpapadala ba siya sa alaala ng nakaraan o, ipaglalaban ba niya ang kaniyang sinumpaang pangako bilang asawa?

YEN SANTOS

YEN SANTOS

JACKY MONTEFALCO- CORPUZ

Nabuhay sa karangyaan, pero malungkot, dahil hindi niya makuha ang pagmamahal at pagtanggap ng kinilalang ama dahil siya ay bunga ng minsang pagkakamali ng kaniyang ina. Dagdag sa galit ng ama ay ang pagiging dahilan niya sa pagkamatay ng kanyang nag iisang kapatid. She is the COO of an established furniture making company, Montecorp. She marries Ace sa pag-aakalang tunay itong tapat sa kaniya. Pero nang unti-unting lumilitaw ang pagtataksil nito, saka naman sila muling pinagtagpo ng unang minahal na si Lino. Magagawa ba niyang maging tapat sa asawa o mas mananaig ang tawag ng unang pag-ibig?

SAM MILBY

SAM MILBY

ACE CORPUZ

Even at 28, Ace  still feels that he has a lot to prove to his family kahit siya na ngayon ang CEO ng isang malaking furniture company. Kilala bilang sa pagiging charming kaya’t ang tingin ng sariling ama ay dinadaan niya lang sa good looks at pambobola ang kakulangan niya sa talino. Buti na lang, masusumpungan ni Ace ang hinahanap-hanap na respeto at atensyon sa asawa niyang si Jacky. Pero nang magkaroon na ng sariling mga problema ang misis niya, madaling malililigaw si Ace at agad na mababaling ang atensyon sa ibang babae – kay Jade.

YAM CONCEPCION

YAM CONCEPCION

JADE FLORES-BARTOLOME

A 27-year-old real estate agent, Jade is a feisty woman who will stop at nothing to get what she wants — even taking advantage of her good looks. Pero sa likod ng pagiging achiever niya, she dreads the feeling of being alone na dinanas niya sa pinanggalingang broken family. Dahil dito, nagpakasal siya kay Lino na inasahan niyang magbibigay sa kaniya ng seguridad sa buhay. Pero nang masakal na sa demands ng pakikisama sa malaking pamilya ni Lino, hahanap-hanapin ni Jade ang kumportableng buhay mula sa lalaking inaakala niyang mas magmamahal sa kaniya at ituturing siyang reyna – si Ace.