Monday-Friday After The General's Daughter
Show Logo

SHOW UPDATES

Halik nagtala ng all-time high TV rating, no.1 na rin sa iWant TV

ABS-CBN.Corp.Comm October 26,2018 08:23 PM


Ang makapigil hiningang paghaharap ni Lino (Jericho Rosales) at Ace (Sam Milby) sa “Halik” noong Huwebes (Oktubre 25) ay nagkamit ng panibagong all-time high national TV rating na 27.1% ayon sa Kantar Media.


Nakita mismo ni Lino ang pagtataksil ng asawang si Jade (Yam Concepcion) nang mahuli niya sa akto na nakikipaghalikan ito kay Ace, na asawa ni Jacky (Yen Santos). Hindi nakapagpigil si Lino at sinuntok ang kabit ng kanyang asawa. Nataasan nito ang katapat na “Pamilya Roces” (10.6%).


Hindi lang sa telebisyon namamayagpag ang serye, dahil numero unong pinapanood na ito sa iWant TV, ang streaming platform ng ABS-CBN Corporation, matapos umabot sa 2.5 million ang weekly views nito. Dahil rin sa patuloy na pagsusubaybay ng iWant TV users sa serye, at sa iba pang top TV shows, nakatulong umabot sa 1.2 milyong active users ang nanonood sa site – ang pinakamataas na natala nito sa loob ng tatlong taon.


Marami rin ang nag-tweet tungkol sa episode na may hashtag #BistadongHalik, na nag-trending topic Huwebes ng gabi.


Talagang inantabayanan ito ng mga manonood gaya ni @smdeejhay16, “Get your chips and drinks guys. The best part of tonight's #Halik episode is about to come! #BistadongHalik”


Pinuri naman ni @K_Rhysm si Jericho, “Grabe ang luha ni Echo before he confronted Ace and Jade. Wow na wow acting skills! #BistadongHalik”


Si @atmarianoxx naman inaabangan na ang magiging reaksyon ni Jacky, “Okay, tapos na si Lino! Can't wait to Jackie's bitter-sweet revenge #BistadongHalik”


Nag-tweet naman si @joshvicious kung paano naging relatable ang palabas, “Watching for cheaters and pro-cheaters turning tables and play the victim drama in #Halik .I remember my Cheating EX.. she cheated wid my former best friend. It's OK. I just think that I donated an old toy to a poor kid . #HalikNgNanay”


Malusutan pa kaya ito nina Ace at Jade?


Huwag palalampasin ang mga maiinit na eksena sa pinaka-mapusok na teleserye sa telebisyon. Panoorin ang “Halik gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Ngayon at Kailanman.” Maaari rin itong mapanood sa iWant TV. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 

Related