SATURDAY pagkatapos ng TV Patrol Weekend
Show Logo

SHOW UPDATES

"Home Sweetie Home," mas pinalakas at mas pinakwela

ABS-CBN.Corp.Comm March 13,2018 09:05 PM

 

Mas kwela ang samahan basta kasama ang pamilya at mga kaibigan sa mas pinalakas pang “Home Sweetie Home.”

 

Mas lumalaki na ang barkadahan sa Brgy. Puruntong dahil bukod kina Julie (Toni Gonzaga), JP (Piolo Pascual), Lia (Rufa Mae Quinto), Nanay Loi (Sandy Andolong), Gigi (Miles Ocampo), Rence (Clarence Delgado), Obet (Jobert Austria), Pinong (Nonong Ballinan), at Mang LA (Mitoy Yonting) ay madagdag pa ang kambal na sina Ireneo at Irenea na parehong gagampanan ni Ogie Alcasid.

 

Bigong babalik ng Pilipinas si JP mula New Zealand matapos malamang may ibang lalaki si Sunshine doon. Para maibsan ang lungkot ng kaibigan at para may iba itong mapagtuunan ng pansin, naisip ni Julie na magtayo sila ng negosyo kasama si Lia— ang pastry shop at restaurant na tatawaging Walang Kapares.

 

Hindi lang ito makakatulong sa pagmove-on ni JP, makakatulong din ito kay Lia para maitaguyod ang anak at kay Julie naman, para hindi na kailangan magtrabaho abroad ni Romeo.

 

Ngunit, hindi magiging madali ang lahat dahil tila hindi sapat ang kapital nila para pormal na mabuksan ang kanilang café restaurant. Buti na lang may kakilala si Lia na maaring maging investor— si Ireneo o Neo for short, na kababata pala ni Julie.

 

Matagal ng gusto ni Neo si Julie kaya naman sasamantalahi nito ang pagkakataon na mapalapit sa kanya. Hindi nagtatapos diyan ang nakaambang sakit ng ulo ng magkakaibigan dahil si Ireneo pala ay may kakambal, si Irenea na magiging patay na patay naman kay JP.

 

Magtagumpay kaya sila sa business nila? Ano ang magiging papel nina Ireneo at Irenea sa Brgy. Puruntong?

 

Taong 2014 nang unang ipalabas ang “Home Sweetie Home” at makalipas ng 4 na taon ay patuloy pa rin nitong tinatangkilik ng mga manonood dahil sa aliw at makabuluhang mga aral sa buhay na hatid nito.

 

Pakatutukan ang mas pinalakas pang “Home Sweetie Home,” tuwing Sabado pagkatapos ng “TV Patrol Weekend.”

 

Related