Every Saturday after It's Showtime
Show Logo

SHOW UPDATES

Lalaking hayok sa laman, bubuweltahan ni Myrtle sa "Ipaglaban Mo"

ABS-CBN Corp Comm. March 03,2016 03:43 PM

Mapangahas na gagampanan ni Myrtle Sarrosa ang papel ng isang dalagang makailang ulit ginahasa ng isang serial rapist ngayong Sabado (Mar 5) sa hit legal drama ng ABS-CBN na “Ipaglaban Mo.”

Matagal nang naninilbihan bilang kasambahay si Ellen (Myrtle) sa among si Linda. Sa katunayan, tumayo na ito bilang pangalawa niyang ina. Marami siyang pangarap sa buhay ngunit sa kasamaang palad, mawawasak ang lahat ng ito dahil sa isang trahedya.

Makukursunadahan ang maalindog na si Ellen ng bumberong si Pio (Ron Morales). Magpapakilala itong tiyuhin niya pero sa motel siya nito dadalhin kung saan siya gagahasain nang paulit-ulit.

Ang hindi alam ni Ellen, hindi lang siya ang naging biktima ng lalaking iyon k ung hindi marami pang ibang kasambahay.

Manaig kaya ang katarungan? Pumanig kaya ang korte kay Ellen lalo pa’t inaakusahan siya ni Pio na prostitute at kusang sumama sa kanya sa motel?

Kasama rin sa episode sina Nikki Bagaporo, Tess Antonio, Jess Mendoza, at Gigi Locsin.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “Hayoks” sa ilalim ng direksyon ni Roderick Lindayag ngayong Sabado (Mar 5), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN. I-post ang inyong reaksyon o opinyon sa episode sa social media gamit ang hashtag na #IMHayok.

Para sa updates, sundan ang social media accounts na ito na www.Twitter.com/IpaglabanMoCh2, www.Instagram.com/IpaglabanmoABSCBN, at www.Facebook.com/IpaglabanMoABSCBN.

 

Related