Every Saturday after It's Showtime

VIDEOS

Show Logo

What Lemuel, Fifth, Jomari at Sophie learned from Ipaglaban Mo #IMhulidap episode

ABS-CBN.com May 12, 2017 06:01 PM

Nauwi sa pangingikil ng mga lalaking nagpapanggap na pulis ang sana’y masayang outing ng magkakaibigan sa episode na tampok ngayong linggo sa “Ipaglaban Mo.”

Walang kamalay-malay ang magkakaibigang sina Peachy (Sofie Albert), Summer (Chanel Morales), at Bubbles (Fifth Solomon) na mabibiktima sila ng tinatawag na ‘hulidap’ at mamimiligro ang buhay dahil sa talamak na modus na ito.

Habang nagpapalipas oras sa isang convenience store ang magkakaibigan, biglang sumulpot ang dalawang kalalalakihang nagpakilalang pulis. Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, palihim na plinantahan ng mga pekeng pulis ang grupo ng marijuana at tahasang aakusahan na pagmamay-ari nila ito. Gagamitan pa ng dalawang lalaki ng dahas ang grupo para mahuthutan ito ng pera.

Paano kaya makakaligtas ang magkakaibigan? Paano nila napatunayan na hindi sila ang may-ari ng mga pakete ng droga?

Makakasama rin sa upcoming episode na ito sina Jomari Angeles, Lilet, Ping Medina, at Lem Pelayo.

Huwag palampasin ang “Ipaglaban Mo” episode na “Hulidap” sa ilalim ng direksyon ni Tak Barrios ngayong Sabado (Mayo 13), pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.

Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

 

Related