MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

PHOTOS

Show Logo

Noven, Froilan, Carlmalone, Sam, Marielle, at Pauline magtutunggalian para maging kauna-unahang “Tawag Ng Tanghalan” Grand Champion

ABS-CBN.com March 10, 2017 09:39 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Mula sa sampu, anim na grand finalists na lang ang natitira na magtatapatan at pag-aagawan ang kampeonato sa huling tapatan ng “Tawag ng Tanghalan” ngayong Sabado (Mar 11) sa Resorts World Manila.

Ibinoto ng taong bayan ang kanilang pinakapaboritong contenders mula Lunes (Mar 7) hanggang Huwebes (Mar 9), kung saan sina Noven Belleza ng Negros Occidental, Froilan Canlas ng Camarines Sur, Carlmalone Montecido ng Bacolod, at Sam Mangubat ng Batangas ang mga nakakuha ng pinakamataas na pinagsamang text votes at hurados’ scores.

Samantala, ang pulso naman ng mga respetadong hurado ang nagluklok kina Marielle Montellano ng Cebu at Pauline Agupitan ng Batangas noong Biyernes (Mar 10) sa grand finals matapos nilang parehong mag-tie at makakuha ng score na 99.4%.

Matapos ang higit sa isang taon, magtatagpo-tagpo na ang anim sa pinakamagagaling na contenders ng “Tawag ng Tanghalan” na handa nang makipagbakbakan para sa kanilang mga pangarap. Tutukan ang makatindig-balahibong performances nina Noven, Froilan, Carlmalone, Sam, Marielle, at Pauline na magtataas sa bandera ng kani-kanilang mga bayan at babago sa kanilang mga buhay.

Ang pinakaunang “Tawag ng Tanghalan” grand champion ay mag-uuwi ng P2 milyon, house and lot mula Camella, recording contract sa Star Music, at musical package mula JB Music.

Huwag palampasin ang “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” sa “It’s Showtime” bukas (Marso 11) ng tanghali sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang “Tawag ng Tanghalan” sa Facebook (facebook.com/TawagNgTanghalan), Twitter (@TNTABSCBN), at Instagram (@TawagNgTanghalan). Maging updated din sa good vibes na dala ng “It’s Showtime”. I-follow lamang ang programa sa Facebook at Twitter (@ItsShowtimena).

 

Related