MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

It’s Showtime: Vice Ganda, planong tumakbo bilang presidente ng bansa

ABS-CBN.com January 10, 2019 02:55 PM


Nitong Huwebes, January 10, inihayag ni Jhong Hilario na bagama’t maraming Pinoy ang masayahin at mapagbiro, dapat ay seryosohin ang pag-fill up sa mga government forms dahil personal na record ito. Natawa naman si Vice Ganda dahil biglang naging seryoso si Jhong, at humirit ng “Bigla niyang nare-realize, ay, pulitiko pala ako!”


Pagtutukso ni Vice kay Jhong, matapos ang ilang taon ay mapo-promote na ito sa pagiging chairman. Ngunit sinabi ni Jhong na masaya siya sa pagiging konsehal. Banat ni Vice kay Jhong, “Alam mo feeling ko magiging Vice President ka… ng TODA!”


Tinanong naman ni Jhong kung may political plans ba ang Unkabogable Star. Ayon kay Vice, balak niyang tumakbo sa pagka-Pangulo ng bansa. Dagdag pa ni Vice, “’Pag nanalo ako, naku, isa lang ibig sabihin nun… sira ulo talaga kayong lahat! Wala talagang ka-kwenta-kwenta mga bumoboto sa Pilipinas.”


Naikwento naman ni Vice na may partidong kumukuha sa kanya para tumakbong senador, at sinabihan pa raw siya nito na siguradong mananalo siya. Pero sagot niya sa kumukuha sa kanya, “Sira ulo ba kayo? ‘Pag mananalo tatakbo?” Dagdag pa niya, “Buong buhay ko tumatakbo na ko, pagod na pagod na ako!”


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related