MON - FRI 12 NN - 2:30 PM SAT 12:00 - 3:00 PM

VIDEOS

Show Logo

It’s Showtime: Vice Ganda, biglang hinila ang leeg ni Vhong!

ABS-CBN.com March 15, 2019 04:01 PM


Sa KapareWho segment ng It’s Showtime nitong Biyernes, March 15, nagdala si Kuya Escort Ion Perez ng inumin para kay Vice Ganda. Nang tikman ito ni Vice, nag-iba ang kanyang aura at mas naging seductive. Pumosing si Vice na parang Audrey Hepburn with matching beautiful eyes.


Natuwa naman si Jhong Hilario na nagsabing “Parang nakikita ko si Nadine (Lustre) sa kanya!” Bigla namang sumingit si Vhong Navarro na nagsabing “Nadineky!” Buong paglalambing naman na pinalapit ni Vice si Vhong. Paglapit ni Vhong ay mabilis siyang pinadaplisan ng sipa ni Vice, habang nakangiti nang malambing. Nagulat si Karylle dahil ang lapit ng daplis at muntik nang tamaan ang ilong ni Vhong. Matapos nito ay dahan-dahang hinila ni Vice si Vhong at sinabing “Ang gwapo gwapo mo... ang hot hot mo” Nagpaka-humble naman si Vhong sa compliment ni Vice at sinabing “hindi naman” habang paasar na tumingin kay Ion.


Patuloy na naglambing si Vice at sinabing “I think I like you!” Pinatikim pa ni Vice ang kanyang inumin kay Vhong. Pagkainom ay nagulat si Vhong na halatang hindi nasarapan sa kanyang natikman. Napalo niya si Vice at sinabing “Ba’t ‘di mo sinabi!? Sorry ah ang pangit ng lasa!” Sa revelation ni Vhong, bumalik sa sarili si Vice at sumang-ayon dito. Ayon kay Vice “Tiniis ko lang din, pero ang pangit ng lasa!”


Muling tinikman ni Vhong ang inumin. Sa pagkakataong ito, nawala siya sa sarili at napasayaw ng “Love Shot”, at sinabayan pa siya ni Vice. Pinuri ni Vhong si Vice at sinabing sobrang ganda nito. Hinawakan ni Vice ang leeg ni Vhong at hinila ito paitaas kaya napasigaw siya ng aray. Nagselos naman si Ion sa lambingan ng dalawa na nagsabing “Tinimpla ko ‘to para sa’yo, nag-iba ‘yung paningin mo?!”


If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph

If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv
 

 

Related