Monday-Friday After It's Showtime!

CAST

Beauty Gonzalez

Beauty Gonzalez

Romina Andrada

Lumaki sa isang pamilyang walang Ama. Bata pa lang alam niya ang sakripisyo ng Ina. Maagang naging responsable para matulungan ang Ina. Nang mabuntis uli ang ina tinanggap niya ito dahil masaya ang Ina at nagkaroon ng katuwang sa buhay. Nagkaroon siya ng kapatid sa stepfather ngunit iniwan din sila. Kaya naman naging mababa ang tingin ng iba sa Ina.

Dimples Romana

Dimples Romana

Daniela Mondragon

Nag-iisang anak ni Robert. Daniela grew up na parang Prinsesa. Spoiled sa inang si Camila at sa disciplinarian, perfectionist pero absentee father na si Robert. Being the only heir, gusto ni Robert ihanda si Daniela sa pamamamahala ng company. Madalas na pag-awayan nila ito dahil hindi ito ang gusto ni Daniela and Robert never knew her and never there for her.

Albert Martinez

Albert Martinez

Robert Mondragon

Lahat ng meron si Robert pinaghirapan niya katuwang ang asawang si Camila. Laki siya sa hirap. Nagmahal ng isang mayamang babae na si Camila. Nagsumikap para patunayan ang sarili sa pamilya ng asawa. Dati kumakain lang sila ng sardinas ng asawa, naghati sa isang maliit na lata. Pero dito nagsimula ang pangarap at umunlad ang buhay kasama ang asawa at anak na si Daniela. Pero ito rin ang naging dahilan ng kawalan niya ng oras para sa kanila.

Adrian Alandy

Adrian Alandy

Carlos Bartolome

Carlos comes from a typical machismo family. Anak ng isang retired na pulis. Nung bata pa sina Carlos, sumama sa ibang lalaki ang Nanay. Naging trauma ito sa amang si Nicolas kasi sa asawa umikot ang mundo. Kaya naman ang tingin nito sa mga babae ay mga two timers, manloloko. Pero para kay Carlos mabuti ang Ina at hindi lahat ng babae ay tulad ng Ina.

Andrea Brillantes

Andrea Brillantes

Margaret Mondragon Bartolome

Lumaki si Margaret the same way kung paano pinalaki si Daniela ng Ina. Spoiled, sunod sa luho at nakukuha ang lahat ng gusto niya. Daniela promised her na hindi siya kailanman mawawalan at hindi siya magiging 2nd priority. Kahit na pilit pinalaki ni Carlos ng tama si Margaret nangibabaw pa rin dito ang pagiging spoiled brat dahil kay Daniela.

Francine Diaz

Francine Diaz

Cassandra Andrada Mondragon
 
Siya ang bunga ng panggagahasa na nangyari kay Romina. Pero sa kabila nito, pinalaki siyang puno ng pagmamahal ni Romina. Itinuring din siyang tunay na anak ni Robert. Lumaki siyang hindi nila alam ang totoong nangyari sa Ina.