Monday-Friday After Kadenang Ginto

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Los Bastardos All Star MediaCon

ABS-CBN.com October 10, 2018 05:16 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Limang magkakapatid sa ama ang mag-aagawan ng karapatan para sa mana, kapangyarihan, at pamilya sa panibagong libro ng Precious Hearts Romances Presents, ang Los Bastardos, mapapanood na sa ABS-CBN simula Oktubre 15, tampok sina Jake Cuenca, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Albie Casiño, at Joshua Colet.
 
Hango sa Cardinal Bastards series ng Precious Hearts Romances, ang Los Bastardos ay naka-sentro sa pamilya Cardinal na pinangungunahan ni Don Roman Cardinal, na bibigyang buhay ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez.
 
Masayang magsisimula ng pamilya si Don Roman, ngunit isang trahedya ang sisira sa kasiyahang ito. Magmamahal ng apat pang babae si Don Roman sa kanyang paghahanap ng tunay na pag-ibig. Magbubunga ang limang relasyong ito ng limang anak na lalaki: si Isagani (Jake) na anak ni Don Roman sa kanyang unang pag-ibig na madadamay sa trahedya at mawawalay sa ama, si Joaquin (Diego) ang tanging anak na lalaki sa poder ng ama, si Matteo (Marco) na naging anak-anakan ng karibal ng mga Cardinal, si Connor (Joshua) na gustong ubusin ang yaman ng mga Cardinal, at si Lucas (Albie) na hindi alam na siya ay anak ng kanyang amo. Bagama’t magkakaiba ang kinalakihang buhay ng lima ay pagdudugtungin sila ng iisang dugo.
 
Tunghayan kung paano magsasanga-sanga ang kanilang mga buhay sa pagtuklas nila ng kanilang mga tunay na pagkatao.
 
Makakatambal nila sina Marijoy Apostol, Mica Javier, Jane Oineza, Maxine Medina, Ritz Azul, at Kylie Verzosa.
 
Kasama rin sa serye sina Perla Bautista, Ana aband Santos, Joyce Ann Burton, Pinky Amador at Jeffrey Santos, Isabel Rivas, at Lito Pimentel, at Rosanna Roces at Efren Reyes.
 
Panoorin ang Los Bastardos araw-araw simula sa Lunes, Oktubre 15, tuwing Kapamilya Gold, pagkatapos ng Kadenang Ginto sa ABS-CBN.

 

Related