Every Saturday after World of Dance

PHOTOS

Show Logo

Ria at Arjo, ipaglalaban ang kalikasan sa “MMK”

ABS-CBN.Corp.Comm December 06, 2018 08:53 AM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title


Pakikipaglaban sa ngalan ng kalikasan at kapakanan ng pamilya ang papasukin ng magkapatid na Ria at Arjo Atayde bilang Rosedel at Armin, sa kauna-unahan nilang pagsasama sa “MMK” na palabas ngayong Sabado (Disyembre 8).
 


Hindi na mapaghiwalay sina Rosedel at Armin simula pa noong musmos at lumaking puno ng pagmamahal sa pamilya at sa magandang lalawigan ng Sibuyan sa Romblon. Sumumpa sila na paka-iingatan ang lugar at paglilinangin ang Sibuyan hanggang sa kanilang paglaki.
 


Makakapag-aral sila ng kolehiyo sa Maynila, at dito nila lalong nakumpara ang likas na ganda ng lalawigan at kung gaano sila kaswerte dito. Labis ang tuwa ng mga magulang nilang sina Domeng (Ernie Garcia) at Titing (Tetchie Agbayani) lalo na ng nakatapos ang mga anak ng Commerce at Civil Engineering.
 


Ngunit maagang mabubuntis si Rosedel at magkakaroon ng tampuhan ang magkapatid dahil sa maagang pag-aasawa nito. Maiiwan si Rosedel sa Maynila at uuwi naman si Armin sa Sibuyan.
 


Isang araw, isang malaking minahan ang bubulabog sa tahimik na pamumuhay ng kanilang bayan. Unti-unti nitong mapipinsala ang likas na yaman ng Sibuyan na ipagsasawalang-bahala ng iba dahil sa suhol na pera.
 


Iiral ang pagmamahal sa kalikasan at sa bayan ni Armin at lalaban ang malaking minahan sa gitna ng panganib at pananakot. Dito magkakaroon ng pag-aalinlangan si Rosedel at hahayaan ang kapatid na lumaban mag-isa kahit na isinisigaw ng puso na pangalagaan ang tanging yaman na mayroon sila sa Sibuyan. Ngunit may darating na malaking pagsubok na siyang pupukaw sa kanya.
 


Magkakaayos pa kaya ang magkapatid na Rosedel at Armin? Tuluyan na bang masisira ang likas na yaman ng Sibuyan?
 


Kasama rin sa episode sina Alex Medina, Angelo Ilagan, at Jacqui Leus. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Giselle Andres at panulat nina Jaymar Santos Castro at Arah Jell Badayos.
 


Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
 

 

Related