EVERY SATURDAY AFTER YOUR MOMENT

PHOTOS

Show Logo

Laban ng isang lalaki sa sakit na Psoriasis, tampok sa “MMK

ABS-CBN.com September 27, 2016 03:42 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Bibigyang buhay ni JC De Vera ang kwento ng Psoriasis Philippines founder na si Josef De Guzman at kung paano niya hinarap ang diskriminasyon at depresyong kaakibat ng pagkakaroon ng naturang sakit sa balat ngayong Sabado (Oct 1) sa “MMK.”

Kilala si Josef sa kanyang talento sa pagkanta, angking talino, makinis na kutis, at gwapong mukha. Pamumuhay niya ang pagkanta sa mga prestihiyosong hotels kaya naman lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Ang swerte ay tila ba laging nasa panig niya.

Magbabago ang lahat pagtungtong nya ng 35 taon kung saan nagkaroon siya ng chronic inflammatory skin disease na tinatawag na Psoriasis. Babaliktad ang kanyang mundo at ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay biglang mawawala. Magiging miserable sya at magmumukmok dala ng matinding kalungkutan.

Paano kaya mababalik ni Josef ang kumpyansa sa sarili? Paano niya haharapin ang panghahamak ng lipunan? Ano ang hihimok sa kanya para magtayo ng isang advocacy at support group para sa mga tulad niyang may Psoriasis.

Kasama sa upcoming episode ng “MMK” sina Louise Abuel, Irma Adlawan, Juan Rodrigo, Kazel Kinouchi, Kazumi Porquez, Jairus Aquino, Kyle Banzon, at Tata Mara. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz Dela Torre at panulat nina Jaymar Castro at Arah Jell Badayos. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, ANG “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

Related