MONDAY TO FRIDAY AFTER UMAGANG KAY GANDA
Show Logo

SHOW UPDATES

Magandang Buhay ipagdiriwang ang ikatlong anibersaryo bilang isang team

ABS-CBN.com May 24,2019 05:08 PM


Isang team sina momshie Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal sa pagtulong sa kanilang kapwa momshies na pagkaisahin ang pamilya at patuloy na magbigay inspirasyon sa ikatlong anibersaryo ng Magandang Buhay


Tunay na “tres is the best” sa Kapamilya morning show dahil simula Mayo 27 dadalhin nila ang manonood sa kanilang pinagmulan – Boracay, kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at kung saan sila gagawa ng bagong memories. 


Tatlong nanay ang mapaparangalan nina momshie Karla, Jolina, at Melai sa kanilang Momshie Awards. 


Bagong adventures din ang sama-sama nilang susubukan, kasama na ang underwater scooter at parasailing. 


Bibigyan din nila ng tour ang kanilang viewers ng pwedeng magawang bonding sa Boracay with their family pati na ang mga patok na pagkain sa lugar. 


Maliban sa mga sikat na tanawing sikat na sa lugar, dadalhin din tayo ng palabas sa mga bagong offerings ng Boracay. 


Makikigulo naman sa kanilang ikatlong anibersaryo ang pamangkin ni Karla at ang pinakabagong Goin' Bulilit kid na si Jordan, si DJ Jhai Ho at si Kaladkaren. 


Kaya huwag ng palampasin ang ikatlong anibersaryo ng morning show tuwing umaga ng 8am pagkatapos ng Umagang Kay Ganda.

 

Related