MONDAY-FRIDAY AFTER ANG PROBINSYANO!

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Make It With You Grand PressCon

Entertainment.ABS-CBN.com January 09, 2020 08:09 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Pag-ibig ang magniningning sa pagbubukas ng 2020 ngayong nakatakda nang magbalik telebisyon ang inaabangang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil na sabay makikipagsapalaran upang mahanap sa puso nilang piliin ang magmahal sa Make It With You, na eere ngayong Enero 13 (Lunes) sa ABS-CBN Primetime Bida.


Mapapanood si Liza bilang si Billy, ang raketerang gagawin ang lahat upang kumita at makapagpadala ng salapi sa pamilya. Isa sa kanyang mga raket ang pagsakay sa kultura ng matchmaking sa Croatia para makalibre sa pagkain at makapag-uwi ng mga regalo galing sa mga nakaka-date na kanya ring ibinebenta.


Matutunghayan naman si Enrique bilang si Gabo, ang binatang mapapadpad sa Croatia sa kagustuhang mahanap ang kanyang sarili. Sa kabila ng hirap, papasukin niya ang iba’t-ibang trabaho upang mabuhay at para hindi bumalik ng Pilipinas.


Magkaiba ang kanilang pamumuhay ngunit isang araw, lalapitan si Billy ng socialite na si Antonia at makikiusap na ipareha siya nito kay Gabo kapalit ang malaking halaga. Dito mag-uumpisang maglapit ang mundo nina Billy at Gabo dahil habang itinuturo ng dalaga ang kultura ng Croatia para maging karapatdapat sa paningin ng ama ni Antonia, mas makilala nila ang isa’t-isa.


Ngayong wala sa puso nila ang magmahal, pipiliin ba nilang labanan ang kanilang damdamin o sundin ang nararamdaman nilang pag-ibig?


Kasama rin sa Make It With You sina Ian Veneracion, Katya Santos, Fumiya Sankai, Eddie Gutierrez, Pokwang, Vangie Labalan, at Herbert Bautista, kasama ang mga bagong bituin na sina Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings, and Daniela Stranner. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano at panulat ni Mark Angos.


Tutukan ang Make It With You gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 

Related