WEEKDAYS AT 11:30 AM

CAST

Sophia Reola

Sophia Reola

MIKMIK DIMAANO

Matalino, madiskarte at pilyang anak ni Ella. Hindi man nakagisnan ang ama, pinalaki siya sa umaapaw na pagmamahal ng ina. Maaga siyang namulat sa pagkakaiba-iba ng estado ng buhay ng mga tao pero naniniwala siya na hindi dapat hadlang ang kahirapan at pagiging iba para mamuhay nang marangal at may respeto. Malalaman niyang may dugong Salvador na nananalaytay sa mga ugat niya at ipaglalaban niya ang lugar niya sa pamilyang ito.

Kaye Abad

Kaye Abad

ELLA DIMAANO SALVADOR

Anak sa labas ng mga Salvador. Lumaki siya sa paniniwalang hindi niya kailangan ang apelyido ng ama para magkaroon ng lugar sa mundo. Sa pagiging mapagmalasakit, nakahanap siya ng lugar sa puso ng isang Villaluna, pamilyang mortal na kaaway ng mga Salvador. Ang kanilang relasyon ang pinagmulan ng isang trahedyang nagpalaki sa away ng dalawang pamilya. Nagbunga ang kanilang relasyon at nangako siyang ilalayo ang anak mula sa gulong iniwan ng trahedya at magiging mas matapang at matalino ang anak kesa sa kanya. 

RK Bagatsing

RK Bagatsing

MICHAEL VILLALUNA

Panganay na anak ng mga Villaluna and whom everyone says is a replica of his father – parehong matalino, matapang at matigas ang ulo whose single mindedness either leads to success or trouble. Pero ang lahat ng ito ay nabago nung makilala niya si Ella. Siya ang nagparamdam kay Michael what it felt like to belong. And he will do everything just to keep her beside him, or so he thought. In the end susukatin kung ano ang mas matimbang sa kanya – pamilya o si Ella.

Rafa

Rafa

ERIC SALVADOR

Adopted son ng mga Salvador. He grew up being pressured by his mom to always do good and trying to please his dad who has never shown any affection towards him dahil alam na adopted siya. Kahit anong gawin niya, nothing was enough to earn his place in his father’s heart. So when Katrina, the woman he would marry, showed him interest, inakala niya na finally may magmamahal sa kanya at pinakasalan ito. But he was wrong. All his love ever did is hurt the one person who has ever shown him love – his half sister, Ella. 

Cristine Reyes

Cristine Reyes

KATRINA DELEON

Lumaki siya sa  Olongapo and with the stigma ng pagiging anak ng entertainer at anak sa labas, to the point na madalas she wishes she was someone else – someone na may magandang pangalan, nirerespetong pamilya, tanggap ng mga tao. Kaya naman nung nakapag-aral siya sa Maynila she made sure to distance herself from the past and find herself an “acceptable marriage and family”. At ngayong isa na siyang Salvador, sisiguraduhin niyang walang makakahadlang sa pag-angat niya, not even ang anak ng karibal niya – si Mikmik.

Pilar Pilapil

Pilar Pilapil

DIVINA SALVADOR

Eric’s perfectionist mother. Her dream of of having a perfect family shattered when she found out she could never bear a child. In trying to save her marriage, she and her husband adopted a son. She raised her son to become the deserving heir of the Salvador estate, only for him to die on the hands of the Villalunas, her family’s sworn enemy. She promised herself na pababagsakin niya ang pamilyang ito, even if it means using an innocent child who wanted nothing more than to be her apo.

Enzo Pineda

Enzo Pineda

JAMES VILLALUNA

Pangalawang anak ni David. He grew up envious of the pride and love that his father has for Michael. As such kahit pa pilitin siyang maging malapit sa kuya niya, he can never get past his resentment na mas paborito ito ng tatay nila. He tried to do everything right, follow his every rule, and do everything he wants pero at the end of the day, he can never replace Michael in his father’s heart, even if nawala na ito sa buhay nila.

Matet De Leon

Matet De Leon

RUTH

Best friend ni Ella. Nang maghiwalay ang mga magulang, sumama siya sa ina at tumira sa mansyon ng mga Salvador kung saan ito naninilbihan bilang kasambahay. Dito na siya nagdalaga at nakapangasawa. Ngayon ay mayordoma na siya sa mansyon at may isa nang anak. For most of her life, nakikitira lang siya sa mansyon, kaya nagsisikap siyang magkaroon ng sariling bahay para sa kanyang pamilya, isang lugar na matatawag niyang sa kanila. That is, until malaman niyang maysakit ang bespren niya at pinapangako siya nito to look after her daughter, Mikmik.

Keempee De Leon

Keempee De Leon

BENJIE

Asawa ni Ruth. Driver ng mga Salvador. Mula pagkabata, pinagpapasa-pasahan ng mga kamag-anak o ng kung sinong gustong kumupkop sa kanya dahil malaki ang kinagisnan niyang pamilya. Wala siyang permanenteng tirahan, but he found a home when he married Ruth. Simpleng tao, ang gusto lang niya ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang asawa at anak. But what he didn’t count on ay ang pagdating ni Mikmik sa buhay nila. 

Ces Quesada

Ces Quesada

LOLA ESTER

Kapitbahay at kaibigan ng nanay ni Ella. Nakita niyang nagdalaga si Ella at umalis ng probinsiya hoping to have a better life. Kaya laking gulat niya nang bumalik ito ng luhaan. Hindi naging mahirap para kay Lola Ester na ibalik ang dating pagkagiliw kay Ella at sa naging anak nito na si Mikmik, after all mag-isa na lang siya sa buhay at sina Ella at Mikmik na ang naging pamilya niya. Pero paano kung mawala sila sa kanya?

Krystal Mejes

Krystal Mejes

AMBER (Krystal Mejes) – (10 years old). Panganay na anak ni Katrina who was always being reminded by her mother that to be a Salvador means to be number one. And she will do everything to be number one, thinking that this will make her mother love her more. Spoiled and driven, Amber hates na magkakaroon siya ng karibal sa pagiging number one nang dumating sa bahay nila si Mikmik.

Heart Ramos

Heart Ramos

BRITNEY (Heart Ramos) – (9 years old) Bunsong anak ni Katrina. Idol niya ang ate niya and all she ever wants is to be like her dahil madalas siyang ikumpara dito. But she is not like her – mas easy going siya and soft spoken. Mas humble and friendly pero she will never go against her ate. Kaya pag sinabi nitong hindi nila friend si Mikmik – susunod siya.

Miguel Vergara

Miguel Vergara

JOSEPH (Miguel Vergara) – (9 years old). Anak nina Ruth at Benjie. Maloko ito at pilyo. Siya ang unang kaibigan ni Mikmik sa mansyon dahil para sa kanya mabait si Mikmik – hindi tulad nina Amber at Britney na walang kasing arte at madalas napapahamak ang nanay niya dahil sa dalawa.