WEEKDAYS AT 11:30 AM

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Nang Ngumiti Ang Langit The Heavenly Finale BlogCon

Entertainment.ABS-CBN.com October 10, 2019 08:07 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title


Ngayong isa-isa nang nasiwalat ang katotohanan, magtutulungan na ang mga pamilyang Salvador at Villaluna, sa pangunguna nina Divina (Pilar Pilapil), Michael (RK Bagatsing), Grace (Shaina Magdayao), at Mikmik (Sophia Reola) upang pabagsakin si Katrina (Cristine Reyes) at makuha ang inaasam nilang hustisya, sa huling linggo ng Nang Ngumiti Ang Langit.


Patuloy na ngang tinutugis si Katrina ng mga awtoridad upang pagbayaran niya lahat ng kanyang mga kasalanan, pero sabay din nito ang pagbuo niya ng mga plano at maging paggamit sa anak niyang si Britney (Heart Ramos) upang makapaghiganti sa lahat ng kalaban niya.


Dahil sa paglimot ng dalawang pamilya sa kanilang hidwaan, sama-sama na nilang pipigilan si Katrina na madadagdagan pa ang masasaktan sa kanilang mga mahal sa buhay, lalo na si Mikmik. Magiging kasangga rin ni Michael si Grace na buong pusong susuporta sa laban ng kanyang minamahal.


Maging matagumpay nga kaya silang makuha ang hustisya?


Mula Marso 2019, tinutukan na ang kwentong pampamilya ng Nang Ngumiti ang Langit tuwing umaga. Minahal ng mga manonood si Mikmik na, sa kabila ng murang edad, ay lumaban sa bawat hamon at nagpamalas ng kanyang busilak na puso. Nagsilbing inspirasyon din ang serye sa lahat na maging positibo at piliing gawin ang tama sa lahat ng pagkakataon.


Isa rin ito sa pinakapinapanood na serye araw-araw sa pagtala nito ng all-time high national TV rating na 20.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.


Tutukan ang huling linggo ng Nang Ngumiti ang Langit sa ABS-CBN

 

Related