WEEKDAYS AT 11:30 AM

PHOTOS

Show Logo

IN PHOTOS: Shaina Magdayao joins the cast of Nang Ngumiti Ang Langit

Entertainment.ABS-CBN.com August 05, 2019 02:39 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title

Malaking pagbabago ang magaganap sa buhay ni Mikmik (Sophia Reola) sa pagdating ni Shaina Magdayao bilang si nurse Grace, ang bagong karakter na madaragdag ng saya, pag-ibig, at tensyon sa tinututukang serye tuwing umaga na Nang Ngumiti ang Langit.

Una nang nagkaroon ng pasilip sa karakter ni Grace (Shaina) na ipakilala siya bilang nurse ni Divina (Pilar Pilapil). Magiging malapit siya kay Mikmik dahil sa kabutihan niya, ngunit magiging balakid naman siya sa mga plano ni Katrina (Cristine Reyes) sa pag-usbong ng pagkakaibigan sa pagitan nila ni Michael (RK Bagatsing)

Ano nga bang magiging papel ni Grace sa buhay nila

Samantala, labis ang saya ng aktres sa muling pagbabalik niya sa telebisyon upang muling makapagbigay ng saya sa mga manonood. “Masaya po ako na mapasama sa pamilya nila and to be able to work with the kids on the set dahil nakakawala talaga ng pagod,” sabi ng aktres

Ayon kay Shaina, kung kinainisan naman ang kontrabida roles niya noon, siguradong mamahalin naman ng mga manonood ang busilak na puso ni Grace. “Si Grace ay magiging protektor ni Mikmik. For a while, kontrabida ang roles ko. Now, I am happy dahil puro angels ang kasama ko sa set,” kwento niya

Tutukan ang mga inaabangang tagpo sa Nang Ngumiti ang Langit tuwing umaga sa ABS-CBN. 

 

Related