Monday-Friday After Ang Probinsyano!

CAST

Julia Barretto

Julia Barretto

EVA MAPENDO, 18 

Isang Navotas girl na nangangarap at nagsusumikap para sa kanyang pamilya. Para sa kanya ang pamilya ang lakas niya, kahit na ampon lang siya ng pamilyang kinalakhan niya. 

Kaya naman kahit laging sinusubok ng buhay, nananatiling masayahin, madiskarte, at positibo si Eva. 

Kasalukuyan siyang nagta-trabaho sa Binondo at rumaraket para makaipon at makapagtapos ng kursong Caregiving. 

Mabubulabog ang mundo niya nang makilala niya si Inno Cortes, ang lalaking mamahalin niya at magpapakilala sa kanya ng totoong pagkatao niya. 

Joshua Garcia

Joshua Garcia

INNOCENCIO “INNO” CORTES, 20

Kailangan ni Inno talikuran ang totoong siya at maging malakas para sa pamilya niya at para sa kapatid niyang si Oliver. Dahil dito he grew up a perfectionist, responsible, and straitlaced. 

At present, nagte-train siya sa Cortes Corporation, ang kumpanya ng pamilya niya, dahil one day alam niyang pwedeng siya ang mamahala nito. 

Magku-krus ang landas nila ni Eva Mapendo, ang babaeng mamahalin niya at ang babaeng susubok/ babangga sa mga bagay at taong importante sa kanya. 

Jameson Blake

Jameson Blake

OLIVER CORTES, 19

Sakitin siya noong bata siya kung kaya lumaki siyang spoiled and irresponsible unlike his younger brother Inno, whom he is very close to. 

At present, wala pang malinaw na direksyon ang buhay ni Oli. He’s just enjoying his life and charming everyone around, including their Mom Stella. 

Makikilala niya si Eva Mapendo, ang babaeng magtuturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng totoong kalayaan at totoong pagmamahal. Si Eva rin ang susubok sa relasyon nila ng kanyang kapatid na si Inno. 
 

Christian Vasquez

Christian Vasquez

HERNAN CORTES 

Matagal na Hernan gustong talikuran ang Cortes wealth and to make it on his own, isang bagay na hindi naiitindihan ng kanyang asawang si Stella at ng kanyang inang si Carmen. 

At present, tuluyan na siyang hihiwalay kay Stella to live a peaceful and simple life sa isang farm. 

Sa pagtalikod niya sa kanyang mga responsibilidad sa pamilya, ano ang gagawin niya kapag tadhana na ang nag-udyok na balikan at ipagtanggol niya ang mga naiwan niya.

Alice Dixon

Alice Dixon

STELLA SIMBAJON CORTES

More than power, ang gusto ni Stella ay acceptance sa mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan katulad ng mga Cortes. At ito rin ang gusto niya para sa mga anak niyang si Oli at Inno. 

At present, she is the head of Cortes Jewelry, isa sa mga companies ng Cortes Corporation. At gagawin ni Stella ang lahat para maging successful ang Cortes Corporation, dahil alam niyang sa mga anak niyang si Inno at Oli mapupunta yun. 

Sa  pagku-krus ng landas nila ni Eva, ano ang kaya niyang gawin para wag sila mawalan ng pamilya niya, lalo na ang mga anak niya. 

Rosemarie Gil

Rosemarie Gil

CARMEN CORTES

Para kay Carmen, she is deserving of the Cortes wealth dahil pinaghirapan niya ito. Kung kaya she’s done unspeakable deeds para lang wag ito mawala sa kanya at sa pamilya niya. 

Pero ngayong matanda na siya at may sakit, gusto na niyang maisaayos ang lahat at maiwan ang yaman ng mga Cortes sa anak niyang si Hernan at sa mga apo niyang si Oliver at Inno. 

At present she is the CEO of the Cortes Corporation and the matriarch of the Cortes clan. 

Anong gagawin niya to protect her family para sa mga multo ng nakaraan na nagbabalik para maningil? 

Iza Calzado

Iza Calzado

REBECCA “REBA” MARQUEZ

Pag gising ni Rebecca from a coma, baon pa niya ang huling ala-ala niya, ang misteryosong pagkamatay ng asawang si Rodrigo at ang pagkawala/ pagkamatay ng anak niyang si Angela. 

Mas kilala na siya ngayon bilang “Reba” ng Saavedra Corporation na babangga sa Cortes Corporation.

Pero bukod sa negosyo, ano pa ang sisingilin ni Reba sa mga Cortes? At paano kapag nalaman ni Reba na hindi pa naman talaga nawawala sa kanya ang lahat? 

Rio Locsin

Rio Locsin

ROSA MAPENDO

Tumatayong head ng pamilya Mapendo. Mapagmahal na kapatid kay Adesa  at Inang kay Eva. She is a fierce protector of the ones she loves. Siya rin ang isa sa mga nagturo kay Eva kung pano maging matatag para sa pamilya.   

At present, isa siyang labandera/ nagbebenta din ng isda. 

Ano ang kaya niyang gawin para siguraduhin ang kaligtasan at kaligayan ng mga minamahal niya? 

Ina Raymundo and Dominic Ochoa

Ina Raymundo and Dominic Ochoa

ADESA MAPENDO at ABEL DIMAGUIBA 

Nangangarap magkaroon ng isang maliit at masayang pamilya ang magkasintahang Abel at Adesa. Pero nasira ang pangarap nila nang magahasa si Eva at mawala ang anak niya. Dahil dito nawala sa katinuan si Adesa. 

Sa kasalukuyan, isang construction worker si Abel at si Adesa naman ay isang “maybahay.” Papagaling na rin si Adesa at sa pagaling niya umaasa si Abel, Eva at Rosa na makakapagpakasal na sila. 

Sila ang nagturo kay Eva kung ano ang ibig sabihin ng pamilya at kung ano ang tunay na pagmamahal. 

Joao Constancia

Joao Constancia

DOM CONSUELO, 20 

Kaibigan ni Eva at siyang nakakaalam ng nakaraan ni Eva at ng kagustuhan ni Eva na hanapin ang totoong pagkatao niya. 

Sa kasalukuyan, isa siyang bagitong pulis na may prinsipyo at mataas na pangarap. Isa sa mga pangarap niya ang ibigin siya ni Eva. 

Ano ang gagawin niya para protektahan ang kaibigan at tulungan ito sa paghahanap ng nawawalang pamilya.