MONDAY-FRIDAY BEFORE TV PATROL

CAST

JM de Guzman

JM de Guzman

CHICO

Ang panganay ni Fernan; pero lumaki siya sa poder ng kanyang Lola Caring at Lolo Jose.  He currently works as Asst. Manager sa isang forwarding company – Paandar Padala. Problem solver, trouble-shooter sa trabaho at pamilya. Pilyo pero may respeto. May skills sa MMA.  Kaya pinangingilagan sa lugar nila dahil alam na mahirap siyang kalaban kung i-provoke. Pero never namang naghanap ng gulo. Charming nga siya. Magaling maggitara, mahilig kumanta at marunong din mag-compose.  BFF ni Betty.  At “Keks” ang tawag sa kanya ni Betty – short for pandakekoks.

Joey Marquez

Joey Marquez

FERNAN

Ang haligi ng Mabunga household.  Walang inuurungang trabaho.  Handang tiisin ang mawalay sa pamilya para lang maitaguyod ang mga ito.  Walang kapaguran sa pagtatrabaho.  Level-headed sa pagharap sa mga problema.

Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez

LUZVIMINDA

Ang kinilalang ina ni Chico at butihing maybahay ni Fernan.  Madiskarte.  Masipag maghanap ng mapagkakakitaan.  Raketera.  Numero unong worrier, lalo pagdating sa mga anak.

Arci Muñoz

Arci Muñoz

BETTY PALISOC

Kababata at BFF ni Chico from Marikina; modelesque ang ganda pero koboy, bargas at may pagka-siga sa tropahan nila sa community. Kung wala pang boyfriend, mapagkakamalan siyang lipstick lesbian dahil one of the boys siya sa tropahan nina Chico.  Dati siyang crush ni Chico pero pareho nilang na-outgrow ito. She works as an apprentice photographer to Charles, her bf.  Marupok at all out pagdating sa love.  “Gants” ang tawag ni Chico sa kanya – short for higante.

Kiko Estrada

Kiko Estrada

BERI

Ang pasaway na anak nina Luzviminda at Fernan; ang trouble maker sa walong magkakapatid, kaya kinaiinisan kung minsan. Tumayong panganay nang mawalay si Chico sa kanila.  May resentment sa naging papel niya sa pamilya – kaya madalas makabangga ang kuya.  Nagtatrabaho bilang computer technician sa isang shop sa Gilmore.
 

Kid Yambao

Kid Yambao

APOL

Ang good son sa mga Mabunga boys; pilyo, pero masunurin at hindi mo kariringgan ng reklamo – lalo pag sinasalo niya ang mga responsibilities na naisasantabi ni Beri.  Malambing sa nanay at maalaga sa mga kapatid.  He works as a call center agent sa isang local company. 

Jairus Aquino

Jairus Aquino

PERSI

Somewhat of a metrosexual at may pagka-effeminate kaya in-assume na lang ng pamilya na bakla siya.  Fresh Accountancy grad – laude pa – at kasalukuyang naghahanda para sa boards.  Pinaka-close sa Kuya Chico niya.

Maris Racal

Maris Racal

PEACHY

Ang unang prinsesa ng mga Mabunga.  Kikay siya, lagi siyang updated sa mga latest trend.  Social media at internet savvy din – kaya madalas naiinggit sa mga bagay na nakikita niya online.  In a way, may pagka-ambitious din.  Siya ang number one sumbungera kay Chico.

Kira Balinger

Kira Balinger

LEMON

Ang pinakatahimik sa magkakapatid; she keeps a lot of things to herself.  Very observant siya, as in she notices everything.  But she feels like nobody notices her.   Maganda.  Payat pero anlakas kumain.

Mutya Orquia

Mutya Orquia

CHERRY

Ang baby girl ng family; funny at joker sa walong magkakapatid. Kayang makisabay sa kapilyuhan ng mga kuya.  May respeto kay Chico.

Raikko Mateo

Raikko Mateo

PONGKY

Child prodigy ng mga Mabunga.  Matalino sa Math kaya madalas katulong ni Luz sa pagkukwenta.  Paborito ng lahat, pero si Cherry ang bestfriend niya.  Sa liit niyang yan, siga siya sa kalye nila.  Parang mini-Robin Padilla.