Weeknights after Sino Ang May Sala | Every Saturday after Maalaala Mo Kaya | Every Sunday after Rated K

PHOTOS

Show Logo

PHOTOS: Ultim8 Big Reunion MediaCon

Entertainment.ABS-CBN.com August 30, 2019 09:30 PM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title


Mula sa kanilang matagumpay na pananatili sa bahay ni Kuya, isa-isa nang natutupad ang mga pangarap ng PBB’s Big Otso housemates sa nalalapit nilang pagsabak sa iba’t-ibang proyekto sa telebisyon, pelikula, at maging sa iWant na siguradong magpapasabik sa kanilang fans sa loob at labas ng bansa.


Matapos hirangin bilang Ultim8 Big Winner ng season 8, patuloy ang pagdala ng saya ni Yamyam Gucong sa mga manonood dahil makakasama rin siya para sa isang espesyal na partisipasyon sa bagong pelikula ni Vice Ganda sa MMFF. Patuloy ding mapapanood ang “laugh team” nila ni Fumiya Sankai sa pagbabalik nila sa Home Sweetie Home at pagsasama sa pelikulang pagbibidahan naman ni Vhong Navarro.


Magdadala naman ng kilig sa mundo ng musika ang minahal na tambalan ng real-life couple na sina Andre Brouillette at Lou Yanong bilang MYX celebrity VJs at pagbida nila sa isa sa mga music video sa Himig Handog.


Nakatakdang mamamayagpag online sina Kaori Oinuma at Ashley Del Mundo sa pagsabak nila sa kanilang upcoming iWant project na magpapamalas sa husay nila sa pag-arte.


Makakasama rin nila sina Lie Reposposa at Kiara Takahashi sa pagbisita sa kanilang fans mula sa iba’t ibang probinsya upang magpasalamat sa walang sawang suporta nila sa kanilang buong PBB journey.


Bukod naman sa kanilang mga palabas sa telebisyon at pelikula, mapapanood din sila sa official YouTube channel ng Star Hunt, na ngayon ay mayroon nang halos 200,000 subscribers, kung saan matutunghayan ang kulitan ng PBB Otso housemates. Maaari ring pumunta sa official Facebook (fb.com/ starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), at Instagram (starhuntabscbn) para laging maging updated sa kaganapan ng housemates.

 

Related