Weeknights after Sino Ang May Sala | Every Saturday after Maalaala Mo Kaya | Every Sunday after Rated K

PHOTOS

Show Logo

IN PHOTOS: PBB Otso Batch 3 First Double Eviction Night

ABS-CBN.Corp.Comm April 29, 2019 11:46 AM
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title
Album Title


Si Shami Baltazar at Narcy Esguerra ang hinirang na pinakaunang evictees ng Batch 3 teen housemates ng PBB Otso.


Sila ang nagkamit ng pinakamababang boto mula sa taong bayan noong Linggo (Abril 28) matapos magkamit ni Shami ng 3.78% na total public votes, samantalang 2.44% naman ang naitala ni Narcy. Nanguna sa listahan si Tan Roncal (22.07%), na sinundan nina Yen Quirante (20.83%), Shoichi Oka (16.44%), Sheena Catacutan (15.52%), Mich Wunder (13.56%), at Gwen Apuli (5.35%).


Natukoy ang listahan ng mga nominado sa tulong ng Golden Disc Roll challenge, kung saan kinailangan ng teen housemates pagulungin at ipasok ang tatlong golden discs sa targets na may iba’t-ibang distansya. Napagtagumpayan nina Angela Tungol, Batit Espiritu, at Kyzha Villalino ang challenge at tuluyan nang nakapasok sa walong golden circle.


Ano pa nga bang pagsubok ang ibibigay ni Kuya sa natitira niyang housemates?


Panoorin ang PBB Otso, gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang PBB Otso Gold sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Los Bastardos.

 

Related